Thursday, September 29, 2011

tatak pinoy


Di mo ba nakikita ang ganda ng mundo
at saya ng buhay
Tulad ng agos ng ilog sa alon ay sumabay.
Di mo ba naririnig ang bulong ng hangin sa gitna ng dilim
Tumugon sa himig ng ating damdamin

Refrain:
Ito ang ating bansang kay ganda
Huwang mong isuko ang nasimulan
Ipaglaban sa kahit sino mang umapi
Ipagpatuloy ang laban ng ating bayani.

Chorus:
Isulong ang pangakong 
Kalayaan ng ating lahi
Ang pag-ibig sa ating bayan
Ito ang nagbubuklod sa atin.
Ilang beses mang madapa at maapak-apakan
Tayo'y tatayo at ipagmamalaki
Na tayo'y tatak pinoy.

Turo ni Rizal huwang maging mangmang
sa sariling bayan
Ngunit sa rurok ng tagumpay 
Ay huwang kalimutan lumingon
sa pinanggalingan
Siya man si Dimasalang, Laong-Laan
ay pinakita niya sa bawat Pilipino
Ang tunay na katapangan.
(Repeat chorus)


[an original by bsn 4C's ~ECHOLALIA~]

No comments:

Post a Comment